Beauty Vault Product Review

How did I get rid of my acne breakouts?


I will be sharing with you my experience using Beauty Vault Rejuvenating Set and the Whitening and Maintenance Set.  

From left to right: Whitening and Maintenance Set (New Packaging)
and Rejuvenating Set (Old Packaging)


I have an acne prone skin. Wala atang araw na wala akong pimples/acne breakouts. Idagdag mo pa ang everyday puyat, lack of sleep and stress during the semester.

Then, I came across with this product. At first, hesitant ako since this would be the first time na magtatry ako ng rejuvenating product. But I gamble (haha). I started using the product on 15 August 2021 - present.

So here how it goes: You will be using the Rejuvenating Set for a month (30 days) then rest for a month (30 days). During the said rest, you will be using the Whitening and Maintenance Set. After that, use the Rejuvenating Set again for another month (30 days). Then, you will be using the Whitening and Maintenance Set as your skin care routine. Each set will last for a month or more depending how much you use. Kaya sakto lang dapat ang lagay. Ang mahalaga ka consistent ka para mas effective. After all, the key is consistency

The Rejuvenating set includes the following:


1 Kojic Soap (135 g)
1 Rejuvenating Toner (60 ml)
1 Rejuvenating Cream (10 g)
1 Pearl White Sunblock Cream SPF45 (10g)


Heto ang itsura ng rejuvenating cream at ng pearl sunblock (kaunti na lang kasi nagamit ko)


Rejuvenating Cream (Night Use)




Pearl White Sunblock Cream (Day Use)




While the Whitening and Maintenance Set includes the following:


Old Packaging

1 Whitening Kojic Soap 135 g)
1 Rejuvenating Toner (60 ml)
1 Rejuvenating Cream (10 g)
1 Whitening Tinted Sunblock Cream SPF45 (10g)


Heto ang itsura ng rejuvenating cream at ng tinted sunblock (parang liquid foundation pero medyo thick yung consistency)


Whitening Rejuvenating Cream (Night Use)




Whitening Tinted Sunblock (Day Use)




How to use:

For the first month, use the Rejuvenating Set. For DAY use:
1. Cleanse your face using the Kojic Soap (hatiin mo para tipid haha). Sabi sa instructions patagalin mo sa mukha for 2-3 minutes while masssaging your face in a circular motion. Since rejuv to medyo mahapdi sa muka so di ko kaya na patagalin sa muka ng 2 mins. Parang after 20 seconds binabanlawan ko na. So it's up to you kung papatagalin mo or not pero wag kang lumagpas ng 3 mins.

2. Mag-toner ka na. Maglagay ka lang ng sapat na dami sa bulak. You can use cotton balls but I preferred cotton pads para walang naiiwan na bulak sa mukha unlike cotton balls. Apply it on the face and neck in an upward motion. Pero pag di nyo kaya yung hapdi sa leeg sa muka na lang.

3. Apply ka na ng Sunblock 45 mins bago magpaaraw or kahit di maaraw. Reapply kung kinakailangan. Kaya unang naubos ang sunblock ko kaya I opened another one to complete the one month period.

For NIGHT use:

Ulitin mo lang yung sinabi ko sa 1 and 2. Then sa 3, instead using sunblock, use the rejuvenating cream.

Note: While using the product avoid using other products para mas makita ang effect at maiwasan magkagalit sila (haha). Saka mapapansin nyo may micro-peeling effect yung product. Others might experience different level ng pagbabalat. Ako hindi masyadong nag-peel which is good for me kasi lumalabas ako ng bahay for work. Tapos, habang tumatagal pag maghihilamos ka ang kinis and soft ng mukha mo.



After using the Rejuvenating Set and Whitening and Maintenance Set for two (2) months here's the result (meaning mag-re-rejuv na ulit ako for a month):


I'll share with you my pictures having breakouts and my latest pictures after using the sets. (Mapapansin nyo yung moles under the nose ang beside the ear to prove na ako lahat yang nasa picture). You will notice na binibisita pa ako ng pimples pero no breakouts na. This is due to lack of sleep. Kaya need mong makatulog ng tama at sapat na oras. Drink plenty amount of water. This will help na maiwasan ang pimples and breakouts.   


















Hindi ako nag-ayos or naglagay ng anything sa mukha ko to show my bare face. Di rin to edited or enhanced considering makikita mo pa rin yung pores and pimps ko :D

Disclaimer: Hindi ko sinasabing effective to sa lahat kasi minsan hiyangan lang talaga. Buti na lang hiyang ako. After all, magkakaiba tayo ng skin type. Kaya if i-ta-try nyo, observe at least 2-3 days kung hiyang ba or not. If not, discontinue using it.


Price:

You can buy each set for P300 only sa mga authorized distributor ng Beauty Vault. Except if its on sale, mas makakamura ka. Saka beware sa fake especially kung online ka bibili.

Comments